Panunumbalik sa Gomorrah


Price:
₱335

Description

Panunumbalik sa Gomorrah
Harold John L. Fiesta

Sa ilang mga naglalagablab na pagtatagpo, ipasisilip ni Harold John L. Fiesta ang hinabing danas ng kaniyang buhay Sa isang matapang at hubad na koleksiyon ng mga tula. Tutuntunin niya ang mga lunang bihirang galugarin at haharapin ang masalimuot na bitbit ng mga sabi-sabi. Matatagpuan sal koleksiyon ang kabalintunan ng mga kuwentong ikinubli nang marahas ngunit may pag-iingat, mahapdi ngunit may pagtitimpi. Sa bawat taludtod, ramdam ang init na sumisiklab mula sa pita at laman isang pagbabahagi ng pagnanasa, pagsisisi, at panaghoy. Sumisingaw sa bawat tugma ang animo’y panawagan Sa gitna ng dagat-dagatang apoy Gayumpaman, Sa kabilaı ng lagim at pagkakasadlak, may siwang sa bawat tula kung saan dumudungawang banayad na liwanag - isang bahid ng pag-asa, isang posibilidad ng pagtubos at panunumbalik.

Hindi banyaga ang biblikal na lungsod ng Gomorrah sa pananalinghaga ni Harold Fiesta kundi pamilyar na tanawin ng bukid at pilapil,ng aplaya at dagat, ng mga tahimik na sandali tulad ng madaling araw at bukangliwayway. Kaya hindi na dayuhan s sa atin ang lugod na dulot ng perbirsiyon, na kanyang dinada lumat. Obhektibo at hindi nakatungtong sa pulpito, isinasalaysay níya ang mga kilalang-kilala nating kasalanan at karahasan. Mga repleksiyon ng sari-saril nating libog ang mga tinig sa mga tulang naririto na tila alingawngaw na nagpapaalala sa atin na kailanma’y hindi tayo nakaalis sa makamundong lungsod.
- Enrique Villasis, makata at scriptwriter sa telebisyon

Sa malinis at klarong mga linya, naipapahayag ní Harold Fiesta ang mga batayang masid at danas sa pagnanasa ng bakla - purong kalibugan - pero sa proseso, lumikha siya ng bagong boses ng pagtula. Magiting ang pagtatanghal ng mga sitwasyon na siguradong mang-aasiwa ng konserbatibo at sarado ang isip pero magpapatawa at mangmumulat sa nakahandang kilalahin ang pagmamahal sa likod ng mga budbod ng bastos sa biglang basa pero totoong-totoo.
- Romulo Baquiran. Jr., makata at guro Sa malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines

Si Harold John L. Fiesta ay Ilokano at tubong Santa Ignacia, Tarlac. Nagkamit na ng parangal sa Gawad Bienvenido Lumbera at Saranggola Awards. Naging Tula fellow ng Ikalawang Palihang Rogelio Sicat noong 2009. Nakapaglathala rin sa Liwayway, Santelmo Magazine, TLDTD.ORG, at ilang literary folio. Kasalukuyang manggagawa sa BPO. Ito ang una niyang aklat ng tula.

Size: 5 x 8 inches
Pages: 96
Copyright 2025
Vibal Foundation Inc.
ABOUT THE IMPRINT
Paraluman, sa antigong Tagalog, ang tawag sa sinaunang kasangkapang ginagamit ng mga magdaragat upang matukoy ang direksiyon. Tumutukoy rin ito sa mutya, nilikhang pinakatangi at tampok ang kagandahan. Maaari din itong musa, sinumang ang angking kagandahan ay bukal ng inspirasyon, lakas, at patnubay ng mga manlilikha at alagad ng sining. Inspirasyon ng Paraluman imprint ang mga pakahulugang ito sa paglikha ng mga pinakamahuhusay na nobela, kuwento, tula, at personal na sanaysay sa Filipino, Ingles, at iba pang wika sa Pilipinas. Buong pagmamalaking itinatampok ng Paraluman ang mga aklat na magbibigay sulyap sa iba't ibang danas at pagdalumat - mga likhang pupukaw sa haraya ng mga manunulat at mambabasa, bubukalan ng mga kaisipang lalantad sa nilalaman ng kasuluksulukang diwa at damdamin sasalamin sa pagpupunyaging kumawala sa mga pagtitimpi, magsisilang ng mga bagong kaisipan, at kakawing sa personal na lunggati at kamalayang panlipunan maging ito ma'y masayang paglingon (o pilit na paglimot) sa nakaraan, pagsakay sa agos ng kasalukuyan, o masigasig na pagtanaw sa hinaharap.

You may also like

Recently viewed