Dumagit


Price:
₱650

Description

Dumagit
Likha ni Francisco V. Coching

Dahil sa maling bintang, napilitang lumikas ang mag-asawang sina Dr. Joaquin Olivar at Marina patungo sa isang liblib at masukal na pulo. Dito isinilang si Dumagit, isang batang lumaking walang ibang mundo kundi ang kalikasan. 
     Sa kabila ng nawawalang bahagi ng kaniyang pinagmulan, lumaki si Dumagit na malaya, matatag, at bihasa sa buhay-gubat. Ngunit may makikilala siyang isang babae. 
     Darating rin sina Dr. Federico, Raul, at Clarissa—magdadala ng sigalot at misteryo sa tahimik na buhay ni Dumagit. Ano ang kanilang tunay na pakay? Sa pagharap ni Dumagit sa mga hindi inaasahang bisita, mabubuo ang isang ideyang hindi niya pa napag-iisipan kahit kailanman: saan nga ba siya tunay na nabibilang—sa gubat na umaruga sa kaniya o sa mundong minsang iniwan ng kaniyang mga magulang?
     Sa Pilipino Komiks unang lumabas noong 1953 ang obrang ito. Isinalin ito sa pelikula ng Sampaguita Pictures tampok ang aktor na si Cesar Ramirez bilang Dumagit sa direksiyon ni Armando Garces. Kabilang rin sa plikula sina Lolita Rodriguez at Myrna Delgado, 

PAGSUSURI:  
“Hindi matitinag si Francisco V. Coching, ang haligi ng Pinoy komiks. Sa obra niyang ito, matutuklasan ang lakas ng imahinasyon at ang diwang Pilipino na buháy na buháy sa bawat guhit. Maraming pintor at ilustrador, kabilang na ako, ang nahubog ang kakayahan sa pagguhit dahil sa impluwensiya ng kaniyang mga likha. Sa Dumagit, makikita ang isa sa pinakamatapang na halimbawa ng kaniyang sining: isang kuwentong puno ng aksiyon, damdamin, at hindi matatawarang ganda ng pagkakalahad.”
—Derrick Macutay, muralist/pintor/ilustrador

Sukat: 8.25" x 10.5"
Bilang ng pahina: 152
Mabibili ng: Full-color/ Softbound
Tagalimbag: Vibal Foundation Inc.
Imprint: Grafika
Editor-at-Large: Randy Valiente
Copyright: 2025

Tungkol sa Manlilikha 
Si Francisco V. Coching (Enero 29, 1919 – Setyembre 1, 1998) ay isang Filipinong ilustrador at manunulat ng komiks noong Ginintuang Panahon ng Komiks sa Pilipinas. Kinilala siya bilang isa sa mga “Haligi ng Industriya ng Komiks sa Pilipinas,” ang “Hari ng Komiks,” at ang “Dekano ng Komiks sa Pilipinas.” Siya ang lumikha ng mga tanyag na karakter gaya nina Pedro Penduko, Hagibis, at Sabas, ang Barbaro.
     Hindi natapos ni Coching ang kaniyang pag-aaral upang maging ilustrador para sa Liwayway sa ilalim ng paggabay ni Tony Velasquez. Noong 1934, sa edad na labinlima, nilikha niya ang Bing Bigotilyo para sa Silahis Magazine. Malaki ang impluwensiya sa kaniya ni Francisco Reyes, isa pang tagapanguna sa industriya ng komiks sa Pilipinas. 
     Pagkatapos ng 39 na taon sa industriya ng komiks, nagretiro si Coching noong 1973 sa edad na 54. Nakalikha si Coching ng kabuuang 53 nobelang komiks. Lahat ay isinapelikula, maliban sa tatlong pamagat. Pumanaw siya sa edad na 78 noong Setyembre 1, 1998.
     Noong 2014, ginawaran siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal, ang pinakamataas na parangal para sa mga alagad ng sining sa Pilipinas.

You may also like

Recently viewed