Ang Kamisetang Dilaw - BIG BOOKS


Price:
₱390

Description

ANG KAMISETANG DILAW
Kuwento ni: Genaro R. Gojo Cruz
Guhit ni: Eladio M. Avellanoza
Copyright: 2010
978-971-015-001-4
Size: 17.5" x 11"

Paborito ni Joey ang kamisetang dilaw na kasama sa mga labada ng kaniyang nanay. Tinutulungan niya ang kaniyang nanay sa paglalaba, pagsasampay, at pati na rin sa pagtitiklop. 
Tuklasin ang mga sorpresang kapalit ng kasipagan sa kuwentong isinulat ni Genaro R. Gojo Cruz, at iginuhit ni Eladio M. Avellanoza.

About the Authors: 
Genaro R. Gojo Cruz
Ipinanganak si Genaro sa Balut, Tondo, Manila ngunit lumaki sa Pastol, Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan. Nagtamo ng parangal sa pagsulat ng mga kuwentong-pambata tulad ng Timpalak Palanca, PBBY-Salanga Writer’s Prize, at Romero Forbes Children’s  Storywriting Competition. Nagtapos ng BSE Social Science sa Philippine Normal University at kasalukuyang nagtuturo sa De La Salle University-Manila. Ito ang kaniyang ika-11 aklat pambata. Maaari siyang sulatan sa bayanghikahos@gmail.com.


Eladio M. Avellanoza
Tubong Bongabon, Nueva Ecija si Eli. Bata pa ay mahilig na siyang gumuihit. Natuto siyang magpinta noong nasa ikalawang taon sa kolehiyo gamit ang oil, acrylic, at watercolor. Nagtapos sa Central Luzon State University ng kursong BS Agriculture at nagtatrabaho bilang Science Research Specialist sa Nueva Vizcaya State University.

Karamihan sa kaniyang mga obra ay naglalarawan ng kultura, katutubong laro, at pamumuhay ng mga Pilipino. Kasalukuyang siyang Vice-Chairman ng Samahang Makasining (Artist Club), Inc. Makikita ang kaniyang mga obra sa http://busyok.com.

You may also like

Recently viewed