Tinig ng Darating at Iba Pang Tula


Price:
₱390

Description

Author: Teo S. Baylen

Nakapahiyas sa Tinig ng Darating at Iba pang Tula ang pagtatangka ni Teo S. Baylen na paglangkapin ang tunguhin ng panulaang Tagalog at ng relihiyon, agham, at politika sa bansa. Sa pamamagitan ng paggamit ng patuos na tinig, naibunsod ng makata ang takot, poot, at pagkabahala ng kaniyang kaligiran. Maramdamin ngunit palaisip, ang mga tauhan sa karamihan ng tula ay lagit laging naghahanap ng pangwakas na gamot na kayang magpahilom nang ganap sa sakit ng mga Filipino: ang sakit ng kawalang-bahala; ang lagnat ng pagkatiwalag sa kasaysayan, ang kirot na paulit-ulit at dulot ng mekanikal na modernisasyon ng pag-iisip. Apokaliptiko mang maituturing, ang kalipunan ng mga tula ay tumitimo sa noo ng sinumang maghahanap ng kaligtasan.

You may also like

Recently viewed