Tabi ng Dagat at Iba Pang Tula


Price:
₱340

Description

Author: Ildefonso Santos

Taglay ng Sa Tabi ng Dagat at Iba pang Tula ang tatak ng mapangahas na paglalandas ni Ildefonso Santos bilang makabagong makatang Tagalog. Maindayog, tapat, at mabulas ang kaniyang mga pananaludtod at pananalinghaga na waring sumasalamin sa naghuhunos na panahon ng daigdig ng Tagalog. Pino at halos walang dumi ang kaniyang mga hulagway na ginagamit sa pagtula, at masisilayan yaon mulang mahahabang tulang pasalaysay hanggang maiikli't matitipid na tanaga. Maalam sa tradisyon, si Santos ay batid kung paano babaliin ang mga patakaran at kalakaran na itinaguyod ng mga batikang makatang Tagalog na nanguna sa kaniya. Si Roberto T. Anonuevo, ang editor ng kalipunan ng tula, ay kabilang sa mga pangunahing kabataang makata ng kasalukuyang panahon, at masigasig na tagapagpakilala ng mga sinaunang akdang Tagalog na halos mabura na sa gunita ng bansa.

You may also like

Recently viewed