Sa Ngalan ng Diyos


Price:
₱240

Description

Author: Faustino S. Aguilar

Kinakalag ng nobelang ito ang lihim na bigkis ng relihiyong bumubulag sa isip, at ang sala-salabat na paniniwalang lumulumpo sa kalooban ng tao. Sa tatsulok na pilas ng mga tauhan gaya ni Carmen, Padre Villamil, at Eladio'y pinamalas ni Faustino S. Aguilar sa mga kapana-panabik na tagpo ang talinghaga ng dilim at liwanag, ang retorika ng salapi at kapangyarihan, at balarila ng pagsamba at pagtataksil. Higit pa rito'y iniladlad ng patumbalik sa katha ng mga kagila-gilalas na konsepto ng Katipunismo nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, at siyang ipinaliwanag sa bago't pambihirang anggulo ng kritikong Oragon na si Roberto T. Anonuevo.

You may also like

Recently viewed