Sa Gitna ng Lusak


Price:
₱335

Description

Author: Gerardo Chanco

Isinisiwalat ng nobela ang buhay ni Margarita Gautier, ang babaeng sinrikit at sinrupok ng mga talutot ng kamelya sa paningin ng gaya ni Armando Duval. Si Margarita ang salungatang sagisag ng malayaw o maingat na pamumuhay;ang bingit ng pagpuputa at pagmamahal ; ang sukdulan ng siklo ng pagtatagpo, paghihiwalay, paghahanap, at muling pagtatagpo sa buhay ng mga umiibig, nagseselos o napopoot sa tauhan. si Margarita rin ang katawan ng lipunan at panahon ng kaniyang ginagalawan:ang panahon ng labis na pagtitimpi lalo sa usaping may kinalaman sa sex at relasyong babae-lalaki. Sa mabulaklak na prosa ni Gerardo R. Chanco, naipamalas ang lahat sa paraang matalik sa mga Tagalog ng kaniyang panahon.

You may also like

Recently viewed