Price:
₱265

Description

Author: Faustino S. Aguilar

Nalathala ang Pinaglahuan noong 1907, sa unang dekada ng pamumulaklak ng nobelang Tagalog. Katulad nina Lope K. Santos, Inigo Ed. Regalado, Ismael Armado, at iba pang manunulat, ginamit ni Faustino S. Aguilar ang panitikan upang imulat ang publiko sa masamang bunga ng kolonyalismo. Pinaikot ang nobela sa mga karanasan ni Luis Gat-Buhay,isang mahirap na kawani, at naging biktima ng mga makapangyarihang puwersang kinatawan ng mga tauhang sina Rojalde, Mr. Kilsberg, Don Nicanor at iba pang indibidwal.Buong tapang niyang hinarap ang mga puwersang bumibiktima sa kaniya, subalit sa dakong huli, nagmistula siynag isang Kristong pinaglahuan ng lakas habang minamalas ng kaniyang nagdidilim na paningn ang paglaganap ng malaking apoy sa Kamaynilaan. Ipinahihiwatig ng nobela na maaaring magkaroon ng radikal na pagbabago sa lipunan sa ibat-ibang paraan.

You may also like

Recently viewed