Maganda Pa ang Daigdig


Price:
₱280

Description

Author: Lazaro Francisco

Noong 1955, habang ang karamihang akda'y nagtatampisaw sa mga kuwento ng pag-ibig, isinerye ng magasing Liwayway ang Maganda Pa ang Daigdig. Sa halip na makiiyak sa mga pusong nasiphayo sa pagsinta o makigalak sa mahirap na biglang yumaman, ang nobelay humamon sa mambabasa na lunasan ang nagnanaknak na sugat ng lipunang Pilipino: ang malawakang piyudalismo sa kanayunan. Matamang inugat ni Francisco ang sanhi ng kahirapan ng mga magsasaka at inilarawan ang kanilang pagkabusabos sa kamay ng panginoong may lupa. Binigyang buhay dito ang kakaibang uri ng mga tauhan--hindi nagpapatianod sa "agos ng buhay," bagkus ay kumikilos ayon sa sariling prinsipyo at sa adhikang makatulong sa kapwa. Makalipas ang maraming taon, ang Maganda pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco ay nananatiling buhay na larawan ng isang sugat na magpahangga ngayon ay di pa rin naghihilom

You may also like

Recently viewed