Price:
₱230

Description

Author: Iñigo Ed. Regalado

Unang nalathala ang Madaling-Araw, ang unang nobela ni Inigo Ed. Regalado, noong 1909. Maihahanay ang nobela sa mga pinakamapanghimagsik na katha ng unang dekada ng pamumulaklak ng nobelang Tagalog. Uminog ang nobela sa realidad ng panlipunan. Ang mensahe nito'y mabigat: Kailangan ang pagbubuhos ng dugo upang lumaya. Isa sa mga kuwadro ng nobela ay ukol sa buhay ni Juan Galit, isang dating mayamang naghirap na sa wakas ng nobela ay naging sagisag ng poot ng mga mamamayan laban sa mga dayuhan. Mamamalas sa katauhan ni Juan Galit ang aktuwal na pagsasalin ng kaisipan sa kongkretong hakbang na nagbibigay-daan sa pagpatay kay Kabisang Leon, sagisag ng kasamaan sa nobela at kumakatawan sa mga Filipinong aktibong tumulong sa mga Amerikano upang igupo ang mahihirap.

You may also like

Recently viewed