Aklat ng Ulat: Mga Sanaysay sa Dalawang Dekada ng Pamamahayag


Price:
₱405

Description

Author: Lamberto E. Antonio

May dalawang dahilan kung bakit walang pasubaling inilathala ng koleksiyong ito ng Ateneo de manila University Press. Unang-una,mahalaga sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan ni Antonio ang anumang mula sa kanyang panunulat. Higit na nagiging buo ang pag-unawa sa isang manunulat kung nailalagay ang bawat akda sa konteksto ng kabuuan ng kanyang mga nilikha. Ikalawa ang higit na matimbang--tulad na rin ng sinabi ni Antonio sa kanyang paunang salita, lumilingon ito sa "tradisyon ng pamahayagang sinasagisag nina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Amado V. Hernandez, parehong malikhaing manunulat na isinabay ang pagsilo ng talinghaga sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga balita. "Ang pagtanaw na ito ay hind lamang pagkilala kina Huseng Batute, Ka Amado at maging sa mga nauna sa kanila tulad nila Lope K. Sanos at Benigno R. Ramos.Pagpapahalaga ito sa panahong ang wikang katutubo ay kapwa wika ng panitikan at ng dikursong panlipunan.

You may also like

Recently viewed