Kung Wala na ang Tag-araw / Ano Ngayon, Ricky?


Price:
₱390

Description

Author: Rosario de Guzman-Lingat

Sa pamamagitan ng paggamit sa mga pangunahing tauhang lalake at masining na pagmaso sa kanyang materyal, napapasok ni Lingat ang sikolohiya at daigdig ng pagkalalake. Nagiging kapani-paniwala at matimbang ang kanyang paglalahad kay Victor bilang arketipo ng pagkalalake at sa kuwento ni Ricky bilang Bildungsroman. Ang pagka uhaw ng tigang na lupa ni Victor ay nakapagpapalitaw sa tunay na kulay ng buhay binata, at ang pagkayanig ng pagkalalake ni Ricky naman ay nagpapahiwatig sa hangganan sa tradisyunal na landas-panlalake...Sa mga nobela ni Lingat, natago ang tinig ng pagkababae sa mga tauhang lalake, ngunit upang hindi kilalaning padron ang pagkalalake kundi upang mapasok ang kuta ng kabila. Sa husay ng sining ni Lingat, nagawa niyang kabayo ng Troya ang mahirap na makalimutang sina Viictor at Ricky.

You may also like

Recently viewed