Bulaklak ng Maynila


Price:
₱255

Description

Author: Domingo G. Landicho

Ang nobela ay hango sa buhay na hinalukay ng nobelista sa lungsod na naging bahagi ng kanyang pagkatao sa loob ng maraming taon. Nakilala niya ang mga karakter nina Ada, Azun, at Timo sa Baryo Magdaragat ng Tondo nang ang manunulat ay ilang araw na tumigil doon dahil sa pag-aartista sa isang pelikuka ni Lino Brocka. Mula noon, muli niyang ginalugad ang Maynila ng kanyang kabataan at gunita, ang buhay bangketa, kulturang Maynila sa mga pagdiriwang at pista ng Poong Nazareno, ang mga taong kanyang nakilala sa siyudad. Ang nobela ay tungkol sa dehumanisasyon sa paglago ni Ada ngunit ang pananaw ay hindi nalunod sa kumunoy ng pesimismo kundi nagwakas sa pananagumpay ng diwang tao na may pagmamalasakit sa dangal, pag-ibig, at pangarap.

You may also like

Recently viewed